Monday, March 13, 2017

Arduino Starter kit (K12 STEM)


Arduino RFID Kit

UNANG  KABANATA


Mga pangunahing talata
        Magandang pagkakataon sa lahat ng mga nagbabasa sa blog na ito dahil sa  ngayun ay minabuti ng inyong lingkod na magsulat patungkol sa wastong pagamit ng RFID training kit. Ang kit na maaring nyong gamitin para mapag aralan ang pag buo ng sirkito ng ibat ibat pyesa,modules sa electronics ng Arduino Microcontroler kit. Mahalaga ang kit na ito para sa mga nagnanais na matuto ng Electronic Circuits, Microcontroller Programming at Digital Design, na maari ring pakinabangan sa iba pang application para sa mga project  sa highschool .Ang panimulang kaalaman sa Arduino kit ay may natatanging gamit din tulad halimbawa sa Digital design, robotics at iba pang mga  inmportanteng interface at simulation sa computer. Para maging madali ang mga gagawing hakbang para matutunan ito, kinakailangan malaman at maintindihan ang mga nakalistang kagamitan para mainam na maisagawa ang mga nasabing experimento.
     Ang layunin ng blog na ito ay upang makapag ambag ng kaalaman sa abot makakayang teknical na mensahing maipapaunawa sa mga taga subaybay. Isa na sa mga ito ang grupo ng ating mga kaguruan at mag aaral sa antas ng K11 at K12, ito ay tumutukoy sa STEM na kanilang pag aaralan ay makatuong at magamit ang Arduino para lubos na maintindihan ng ating mga kasamang kabataan ang tulay sa pagawa ng makabagong teknolohiya .

Sya nawa :)


                                  PANGALAWANG KABANATA

Mga kinakailangan
Fritzing Circuit Simulator ang software na kakailanganin sa pag desinyo at pag lalarawan ng mga circuito halimbawa na ang mga koneksyun at pag kakabit kabit ng mga pyesa sa arduino.Sa link na ito maaring ma download ang software   
http://fritzing.org/download/

Arduino IDE ay ang software na gagamtin natin para maisulat at pagnahin ang program.May dalawang pag pipilian para magamit ang software : pwede itong i-install sainyong computer o kaya sa online pwede ng mag compile ng inyong soure code(program)
https://www.arduino.cc/en/Main/Software

Arduino UNO Starter o  RFID Training kit, ang kabuohang ng mga  pyesang gagamitin sa pag buo ng isang experimento sa

Arduino Starter Kit


                                

                                 PANGATLONG KABANATA
                      (Mga kagamitan  sa pagbuo ng proyektong  oCirkito)



Arduino UNO R3   ito ang maliit-na controller or micro-controller ,isang electronic na pyesa na pumapareho sa sa functionalities ng ordinaryong kompyuter. Bagaman walang makikitang monitor ,keyboard ,mouse at ano mang parte katulad ng ordinaryong Kompyuter,  ang isang pag kakatulad nito ay pwede itong malagyan ng -program .Kung may software na ginagawang program sa Kompyuter , may firmware naman sa micro-controller. Ang firmware ay ang program na isinalin sa lenguahe na maiintindihan ng elektronic na makina isa na dito ang maliit na controller -Arduino UNO. Ang firmware ay may pasunod sunod na mga kautusan para magamit ang mga port na terminal  halimbawa ipasok ang signal o ilabas ang signal sa mga pin terminal nito na kung susuriin ay pwedeng may voltahe or wala.    
    


7 segment display
Seven segment Display  , ang pitong segment na ito ay maliit na butil ng ilaw na kung nabubo nagkakaroon ng hugis numero. Dahil dito sa ganitong resulat , maari na tayong gumawa ng program para maipakita ang mga numerong kumokurte sa ilaw. Isa sa mga gamit nito ang mga palamuti sa pag dispay ng pag bibilang o counter .Madalas natin itong makita  sa mga banko na nag aayos ng mga hanay ng mga customer nila para sa isang transaksyun sa pag iimpok.      


               

Variable Resistor
Vaiable Resistor  , ay isang pyesang kaparehas ng gamit ng resistor maliban na lang sa kakayahan nito na magkaroon ng ibat ibang  resistance ng isang  cirkito.Maitutulad ito sa dalawa o higit pang nakakabit na mga resistor , na sa bawat pag pihit ay magkakaroon ng pag liit o pag laki ng resistensya nito sanhi ng pag babago sa pag daloy ng kuryento sa isang dugtungan ng cirkito. Adhustable o nababago ang  resistance  depende sa biasing o pag titimpla sa kuryenteng kinakailangan ikarga o ilagay sa isang cirkito. Halimbawa kung ang kakayahang resistensya nito sa kuryente ay simula sa wala o singkwenta 0 to 50 ohms , pwede dito ang laki o liit na umaayon sa wala o limampong kayang resistensyang maibibigay nito para baguhin ang pagdaloy ng kuryento sa isang cirkito. 

                          
Resistor
Resistor  , isa sa gamit at epekto ng pyesang ito ay ang limitahan ang dumadaloy na kuryente o voltahe sa cirkito. Ang uri ng materiales sa pyesang ito  nag hahadlang at nag pipigil para tumakbo ang butil ng mga electron sa loob nito. Sa ganitong pang yayari nababawasan ang anumang lakas nd electrisidad sa kinakabitan nitong cirkito. Gamit ito sa maayos na pag babahagi ng kuryente o pag palakas naman sa voltahe maikakabit dito.Walang itong polarity , pwede dumaloy ang electron dito sa anumang direksyun , subalit ang kakakayahan nitong pumigil ng daloy ng kuryente ay sya ring mapanganib kapag hindi ito masyadong sumakto  o mali ang calkulasyon ng color coding nito.Dahil pumipigil sya sa kuryente at kung magkakamali sa bilang ng resistance nito ay maaring magkasanhi ng pag init o pag kasunod ng pyesa. 


Capacitor
Capacitor  , ang pyesang ito ay may capasiad o kakayahang kumrga ng voltahe at kuryent galing sa sa isang elektric source nito. Dahil sa uri ng sangkap sa pag kakabuo ng semi-conductor na ito (isang pyesang kinakailangan ang isang elektrisidad para  gumana ito ). Sa kadahilanang ito , ang pag kakarga nya ng enerhiya o lakas ng kuryente o voltahe , nagagawa nitong panatilihin ang kinakailangang lakas sa isang cirkito. Subalit depende sa klase ng gamit nito na kung minsan kailangan suriin ang polarity ng koneksyun nito na katulad din ng isang baterya. Anumang kamalian ng + positive o -negative na pin terminal nya ay mag sasanhi ng pagkasira nito at ang iba pa mismong nakakabit dito, maaring masunog o sumabog ito ,kaya kailangan talagang masuri muna ang uri ng kapasitor na gagamitin o ikokonekta sa cirkito 

Breadboard

Breadboard ito ang isang kagamitan kung papano unang binubuo ang pag plano o pag desinyo ng cirkito. Madami itong nakahanay na maliit na butas ,dito ipinapasok ang mga kawad para maikabit kabit ang naitanging koneksyun. Isa sa mga bentahe o lamang na pagamit nito ay madaliang pag buo at pag kalas ng disenyo ng circuito. Nakakatipid din ito sapagkat di na kailangan maghinang ng mga kawad para maisakatuparan ang magiging resulta inaasam sa cirkito. Sa ganitong pag kakataon, kinakailangan natin ang experimental board o breadboard dahil sa mag pag aaral natin sa kit na ito.
                          
Dupont jumper wire
Kawad   ito ay ginagamit na linya ng koneksyun  ng isang elektronik na pyesa kung papaanong ikinakabit sa iba pang  pyesa o parte ng cirkito. May iba-iba itong haba lapad at laki na naaayun sa kinakaliangan gamit , pakakatandaan na habang lumalaki ang kuryente lumalaki din  dapat ang hibla nito . Sa ganitong setup malabis nating gamiting ang dupont wire na makikitang sa larawan.                     






Buttons

Buttons isa ang pyesang ito sa palaging magagamit sa pag
experimento ng ating mga gagawing cirkito. Ang isa sa gamit ng buttones na ito ay ang pag kakaroon ng kontak o koneksyun kapag ito ay na pipindot or na pi-pisil(press). Samakatuwid pwede nating i apply o magamit  ang isang signal sa isang konkesyun na gusto nating ikabit o ilagay sa isang actibong pyesa ia na dyana ng maliit na controller o Arduino UNO.Marami ang ibat ibang disenyo nito , maaring sa kulay , laki at hugis din. Kung mapapansin natin ito ay may mahigit dalawa pang paa , depende sa kung ilang koneksyun ay kaya nyang pagdutungin .                   



                                                                      
                                           PANG APAT NA  KABANATA
                                                           
Mga pamamaraan:
 Saro) Kumpletuhin dapat muna ang mga pyesang mga kinakailangan sa project experiment.Mas mainam din na pag aralang mabuti ang mga kuniksyon polarity (+ - GND) ng bawat pin o terminal ng pyesa. Ito ay nasa drawing ng Fritzing  simulator o kaya sa schematic diagram na planong bubuin.

Duwa) Sa pag program,  maari na lamang munang gamitin ang  mga  source code na gamit halimbawa sa mga gagawing experimento.Ito ay kasama na sa Arduino Software kapag na install na.

Tulo) At kapag gumana na ang program maari na itong tipakin o baguhin ayun sa  gusto kalalabasan ng ating experimento o dili kaya ang desinyo ng ating proyekto.



                                       PANGLIMANG  KABANATA
                                                                 (Mga Pangunahing Pyesa sa Elektronik )
Mga gagawing project sketch:
I) Ang pag papailaw ng LED  at pag papatunog sa  Buzzer

Saro) Tamang koneksyun ayun sa schematic diagram

















Duwa)Pag gamit ng source sa halimbawa ng Arduino Softwares















 Tulo)Pag titipak o pag debug para sa ibang output ng program

















Apat)  Sa pagtatapos ng proyetktong ito,kinakailangan matutunan ang mga sumusunod.

-Tamang polarity o  signal ng supply na galing sa Arduino ang GRND (-) at VCC ang (+) na syang pag kakabitan ng dalwang kawad ng LED.Kailangan ito para di masira ang Arduino at ang LED dahil kapag magkaiba o baliktad ito ay magsasanhi ng pag init na ikakasira ng alinmang pyesa magkakabit.
-Ang pag pili ng sample code na kasama na sa software ng  arduino
-Ang tamang pag tuklas sa kaayusan(data structure) at pag sunod sunod(algorithm) ng  program.Ang kakayahang baguhin source code para mapag aralan ang mga ibat ibang maaring  kalalabasan ng program ito ay literal na makikita sa ibat ibang pagpatay at sindi ng ilaw.


II) Ang pag patunog ng  buzzer,
Saro) Sa susunod na proyektong ito , ay kailangan lang mapag aralan ang pag kabit ng buzzer sa terminal ng arduino at ito ay walang pinagkaiba sa pinagkaibitan ng LED.

Duwa) Katulad ng dating source code sa experimento sa pag pa blink ng LED

Tulo) Katulad ng pag babago ng source code sa pag papailaw ng  LED

Apat) Parehong anaylisis .




                                       PANGANIM NA KABANATA
                                                              (Mga actuator at motor )

III) Pag papaikot sa Motor , sa stepper motor at servo motor

Servo motor(may  feedback)





















 DC motor(walang feedback)

















IV) Ang pagpaikot sa stepper motor, ito ang motor na umiikot alinsunod sa pulso ng signal o voltahe. Ang pa bugso bugso lakas ng kuryente at boltahe na nag bibigay pwersa para ito umikot clockwise o kabalitan na ikot.


Saro)Mapapansin ang nakakaibang dami ng wires na nakakabit sa stepper motor, at ito ay naiiba sa pangkaraniwang koneksyun ng ordinaryong motor lamang.Pansin ang mga kinakabitan ng kawad galing sa arduino  at stepper motor.














Duwa)




Tulo)




                                     PANGPITONG KABANATA
                                                              (Mga analog at digital na sensors )



V)Sensor sa pagsukat ng halumigmig at temperatura ng isang bagay.
Ang DHT11 ay ang pyesang kasama sa kit na magagamit para masukat
kung gaano mamasa masa at kainit ang isang spasyo o bagay

Saro)Tiyakin ang pag kakabit ng sensor sa kawad tungo sa header pin ng arduino


















Duwa)Mapansin nyo ang mga pins na nag bibigay ng tanda kung saan ang kawad ng sensor ay ikakabit sa pin ng arduino















Tulo)Simpleng pag babago lang sa katumbas na bilang ng antala sa pag basa
ng tanging halumigmig at temperatura















Apat)  Sa pagtatapos ng proyetktong ito,kinakailangan matutunan ang mga sumusunod:

-Tamang pag kakabitan ang kawad ng DHT sensor.Kailangan ito para matiyak na maayos na dadaloy ang signal para mabasa ng Arduino ang data sa DHT module.
-Ang pag pili ng sample code para sa sensor na kasama na sa software ng  arduino
-Ang tamang pag tuklas sa configuration ng pin o terminal.Ang kakayahang baguhin source code para mapag aralan kung paano katiyak  o kahalaga ang mga bilang na mababasang maglalarawa sa lakas o hina ng temperatura at halumigmig.



                                 PANG WALONG KABANATA
                                                              (Mga palarawan o display  )

VI) Ang pagamit ng Liquid Crystal Display o LCD sa pag display ng output na literal na makikita sa screen nito. May laki at dami ng mga letrang alphabets ang kaya nitong ipakita na sapat sa screen nito. Ang modelo ng LCD ay 16x2  ito ay may dalawangpo na letra (20 characters) sa bawat hilera(row) na idi-display.
Saro) Ang schematic ng LCD 16x2 at ng Arduino.


















Duwa)



Tulo)

VII) Ang pagamit ng Dot Matrix, ito ay isa na namang pyesa para sa pag papalabas ng characters o anong  hugis ayon sa program na ko-control dito gamit ang arduino. Kaya ito tinawag na dot matrix , ay sa dahilang mga tuldok na ilaw nakalagay dito, na bumuo sa kwadrong laki display. Malaman ang matrix  nito na sukat sa bawat haligi na may hilera tuldok ng ilaw (column x rows).  Halimbawa sa bawat 10 o sampong haligi ay may sampong tuldok na nakalagay, ibig sabihin ang kabuohang ilaw ay 10x10 o sandaang tuldok na iilaw at gagawa ng hugis at image na literal na makikita sa kwadro.

Saro)
























Duwa)


Tulo)




                                       PANG SIYAM  KABANATA
                                                              (Proyektong gamit ang RFID module )

VIII) Experimento patungkol sa pag babato at pagtangap ng data gamit ang RF ID modules.Ang RF ID o Radio Frequency Identification Data  modules ay magagamit natin para tuklasin ang pagbabato o pagtangap ng data na walang kawad o direktang nakakabit sa pagitan ng nag hahagis ng  data signal patungo sa tagapagtangap nito. Ito ay dahil sa Radyo signal na bagaman di natin makikita subalit ang kabuoang lakas nito ay kaya nating maramdamang pisikal.

Saro)




















Duwa)


Tulo)


...Ipagpapatuloy....

Monday, January 23, 2017

Arduino + Speech Recognition (Annyang / Jasper/pocketsphinx)



Introduction





Requirements:




Procedures:

sudo apt-get install git
sudo apt-get install automake
sudo apt-get install libtool
sudo apt-get install bison
sudo apt-get install python-dev
sudo apt-get install swig
sudo apt-get install make
sudo apt-get install pkg-config
git clone https://github.com/cmusphinx/sphinxbase.git
cd sphinxbase
./autogen.sh
make
sudo make install
cd ..
git clone git://github.com/cmusphinx/pocketsphinx.git
cd pocketsphinx
./autogen.sh
make
sudo make install
cd ..

sudo apt-get install ffmpeg

Using PocketSphinx
Now just upload a wav file to your working directory. Note: Wave file needs to be mono channel, normalized, and 16000 sample rate.

Use this to convert quickly online: http://audio.online-convert.com/convert-to-wav


ffmpeg -i input.mp3 -acodec pcm_s16le -ac 1 -ar 16000 output.wav

To convert all mp3 files in a directory in Linux:
for f in *.mp3; do ffmpeg -i "$f" -acodec pcm_s16le -ac 1 -ar 16000 "${f%.mp3}.wav"; \


Without Timing

pocketsphinx_continuous -infile sample.wav > decode-result.txt
With Timing

pocketsphinx_continuous -time yes -infile sample.wav > decode-result.txt

Methodology








Remarks




Conclusions: